Thursday, July 30, 2009

Inuman Ses-yun

...kung inyong mamarapatin ay nais ko sanang ihalintulad ang buhay natin sa isang yugto ng inuman na kung saan ay binubuo ito ng iba't-ibang persona na nag hahati-hati sa kahit ano mang nakahanda sa kanilang harapan...pilit na tinatamasa ang kakaibang eksperyensya ng kasalukuyan na malamang ay mapag uusapan sa susunod na tagpuan...

...nariyan ang mga iyakan, lungkot at pighati na mas kalimitang nagiging tema dahil sa mga dugong napag laruan, pinag laruan at kasalukuyan pa lamang ginagawang laruan...kung minsan naman ay masaya, magulo at parang hindi na nagaatubili sa kung ano mang ibato ng kinabukasan...minsan pa ay parang "wala lang"...basta na lamang umuupo at nagiinuman ng wala man lang kapararakang dahilan...

...at kapag medyo lasing na tayo ay makakahanap pa tayo ng taong mangungursunada sa atin sa maikling byahe natin papunta sa katabing kanto upang bumuli lamang ng isang istik ng sigarilyo...

..."trobol na ito?!," ang isisigaw sayo ng kabarkada mo na lasing na din at mas nahihilo pa kaysa sa iyo..."takbo na tayo?!," naman ang siguradong sambit ng taong nasa kaliwa mo...

...magdesisyon ng madali...at kung hindi...tumingala ka na lamang sa langit...

Saturday, June 27, 2009

Thursday, June 25, 2009

Patay Buhay

mapalad na bata
naiwang tulala
hindi alam ang ginawa
bigla na lang napasama

mapalad na bata
mag isang nakatingala
sa kalangitang hindi maabot
tunay na masalimuot

mapalad na bata
bigla na lang lumuluha
ni walang may alam
ng kanyang dinadamdam

mapalad na bata
sa dulo ng baha
matatag at matibay
animo'y sanay na sanay

Tuesday, June 23, 2009


Lily

it saddens me
to just find thee
sitting solitary
beside a red maple tree

without any friends,
nor family, nor he;
just there alone
alongside a red maple tree